Return to Website

Sibalenhon Web Forum

Welcome to our Sibalenhon Web Forum and feel free to share your views/outlooks for the development of our beloved island Sibale!

Maliy kamo, kita'y mag-kamustahan ag mag suyat it ato mga pananaw at kuro-koro, subaleng usa kina sa parayan adong lalung mapaganda pa nato ka ato pinalanggang banwa!

---------------------------------------------------------------------

 PLS. READ THIS FIRST!

This Forum is intended to encourage public debate.  We expect people to differ - judgment and opinion are subjective things, and we encourage freedom of speech and a marketplace of ideas.  

However, due to unprofessionalism of some users that we have observed lately, "RULES IN POSTING" is hereby instituted.  This serves as guidelines for us especially for those individuals not putting their real names,  their posting(s) will be deleted and the Internet Protocal (IP) address will be banned effective 13 September 2007, for the following grounds:

 

- Any things or materials contain vulgar, profane, abusive or hateful language, epithets or slurs, text or illustrations in poor taste, inflammatory attacks of a personal, racial or religious nature, or expressions of bigotry, racism, discrimination or hate.


- Any things or materials that are defamatory, threatening, disparaging, grossly inflammatory, false, misleading, deceptive, fraudulent, inaccurate, unfair, contains gross exaggeration or unsubstantiated claims, violates the privacy rights of any third party, is unreasonably harmful or offensive to any individual or community, contains any actionable statement, or tends to mislead or reflect unfairly on any other person, business or entity.

 

As per above rules, we reserve our right to remove any content posted in this forum at any time for any reason. 

 

Note: If necessary, you may request from the Web Forum Management about the IP address of any person violating this newly established Sibalenhon Web Forum's Posting Rules, for any legal action.  However, prior to release and banning of an IP address, we encourage you that you first present or post your request in this forum for public dialogue and deliberation to provide a fair action against such person or party involved.

Thanks for your cooperation.

By: Sibalenhon Web Forum Management

 

                

Sibalenhon Web Forum
Start a New Topic 
Author
Comment
PINAKAUNANG DIYARO SA ROMBLON

PINAKAUNANG DIYARYO SA ROMBLON

ni Kristoffer R. Esquejo[1]

Bilang dating manunulat ng pahayagan sa elementarya at hayskul, sariwa pa sa aking alaala na ang isang karaniwang diyaryo ay naglalaman ng maraming bahagi. May balita, may editoryal, may ukol sa panitikan, kalusugan, agham, isports at iba pang interes. Pangunahing layunin nito ay ang magbigay ng impormasyon sa ibat ibang mambabasang may kanya-kanyang interes sa isang wikang higit na nauunawaan ng nakararami. Kung uso na ang mga pahayagang pang-estudyante, higit na nauna pa rito ang mga pahayagang pambansa at panlalawigan.

Sa ating kasaysayan, mas naunang nagkaroon ng diyaryo kaysa sa radyo at telebisyon sa Pilipinas. Taong 1811 ay mayroon nang Del Superior Govierno ang mga Kastila. Nang malaon, ang pahayagan ay naging parehong sandata ng gobyerno at ng lumalaban dito tulad ng ginawa ng mga propagandista at katipunero. Mayroong La Solidaridad si del Pilar samantalang mayroon namang Kalayaan si Emilio Jacinto. Panahon na ng Amerikano nang mag-umpisa ang paggamit ng radyo noong 1922 at ng telebisyon noong 1953.

Sa kaso ng Romblon, taong 1917 nang magkaroon ng kauna-unahang pahayagan sa lalawigan. Ito ay ang Iwag it Kaanduan na ang patnugot ay si Gaudencio S. Fallarme ng Sibale at nakasulat sa wikang Bantoanon o Asi. Ayon kay Prop. Gabriel Fabella, sa kanyang talambuhay na The Man from Romblon, si Fallarme ay naging mag-aaral ng Escuela de Derecho (ngayon ay Manila Law College) at may ambisyong lumahok sa pulitika. Maagang naglaho ang pahayagang ito pagkatapos ng tatlong ulit lamang na paglalathala. Pinakamalaking hamon na kinaharap nito ay ang suliranin sa pondo dahil na rin sa kawalan ng sapat na bilang ng tagatangkilik lalot ang wika ay nauunawaan lamang sa ilang bayan ng Romblon. Hindi na nakabangon ang diyaryo hanggang sa sumakabilang buhay si Fallarme pagkalipas ng ilang taon.

Sa kabila ng maikling pamamaypag ng Iwag it Kaanduan, hindi rin masasabing isang lubusang kabiguan ang pagtatangka ni Fallarme. Ilan sa mga pinakaunang manunulat dito ay talagang mahuhusay at napabantog sa mga sumunod na dekada tulad nina Lorenzo Fojas at Gabriel Fabella. Tubong Sibale, si Fojas ay nakapagsulat ng isang balarila at mga tulang nasa wikang Bantoanon. Si Fabella naman, isang taal na taga-Banton, ay nagsilbing patnugot ng pangalawang dyaryo sa Romblon noong 1926 ang Bag-ong Iwag. Nagsimula sa dalawang pahina hanggang sa maging magasin, ito ay nagtagal lamang ng isang taon. Nang mahalal siyang Kinatawan ng Romblon (1935-1938), muli siyang nagpondo ng isa pang pahayagang panlalawigan at pinamagatang Ang Bag-ong Tion.

Ano ang kapansin-pansing hindi nagbago sa ating mga dyaryo noon at ngayon? Ito ay ang katotohanang ang ikatatagal ng buhay ng isang dyaryo ay nakabatay sa mga patalastas at sa mga tumatangkilik dito ang mga mambabasa. Mas mapalad na tayo ngayon dahil nasa wikang Filipino, kung di man Ingles, ang karamihang artikulo sa mga dyaryong panlalawigan at hindi lamang nakakulong sa isang wika na limitado lamang ang bumabasa at nakakaunawa.

Re: PINAKAUNANG DIYARO SA ROMBLON

kumusta po sir eufronio? salamat po at naipost ninyo ang aking artikulo sa website ng mga sibalenhons at naibahagi sa mga kababayan ninyo. maitanong ko lang po, kaanu-ano po ninyo si gaudencio s. fallarme? baka po lolo o ninuno ninyo at mauunawaan ko kung maipagmamalaki nyo siya. ako po ay taga-Looc, nag-aaral ng MA history at nagtuturo sa UP diliman. nais ko sana magkaroon ng kakilala at contact sa inyong bayan lalo't on-going ang research ko ngayon sa ating lalawigan. salamat po.