Return to Website

Sibalenhon Web Forum

Welcome to our Sibalenhon Web Forum and feel free to share your views/outlooks for the development of our beloved island Sibale!

Maliy kamo, kita'y mag-kamustahan ag mag suyat it ato mga pananaw at kuro-koro, subaleng usa kina sa parayan adong lalung mapaganda pa nato ka ato pinalanggang banwa!

---------------------------------------------------------------------

 PLS. READ THIS FIRST!

This Forum is intended to encourage public debate.  We expect people to differ - judgment and opinion are subjective things, and we encourage freedom of speech and a marketplace of ideas.  

However, due to unprofessionalism of some users that we have observed lately, "RULES IN POSTING" is hereby instituted.  This serves as guidelines for us especially for those individuals not putting their real names,  their posting(s) will be deleted and the Internet Protocal (IP) address will be banned effective 13 September 2007, for the following grounds:

 

- Any things or materials contain vulgar, profane, abusive or hateful language, epithets or slurs, text or illustrations in poor taste, inflammatory attacks of a personal, racial or religious nature, or expressions of bigotry, racism, discrimination or hate.


- Any things or materials that are defamatory, threatening, disparaging, grossly inflammatory, false, misleading, deceptive, fraudulent, inaccurate, unfair, contains gross exaggeration or unsubstantiated claims, violates the privacy rights of any third party, is unreasonably harmful or offensive to any individual or community, contains any actionable statement, or tends to mislead or reflect unfairly on any other person, business or entity.

 

As per above rules, we reserve our right to remove any content posted in this forum at any time for any reason. 

 

Note: If necessary, you may request from the Web Forum Management about the IP address of any person violating this newly established Sibalenhon Web Forum's Posting Rules, for any legal action.  However, prior to release and banning of an IP address, we encourage you that you first present or post your request in this forum for public dialogue and deliberation to provide a fair action against such person or party involved.

Thanks for your cooperation.

By: Sibalenhon Web Forum Management

 

                

Sibalenhon Web Forum
Start a New Topic 
Author
Comment
PiNOY ka ba?

Sabi MO , ang gobyerno natin ay palpak.
Sabi MO , ang mga batas natin ay sinauna.
Sabi MO , ang lokal na pamahalaan natin ay hindi maganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.
Sabi MO , hindi gumagana ang mga telepono, katatawanan ang kalagayan ng trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat. Sabi MO , parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.
Sabi Mo , sabi MO, sabi MO.

E ano'ng ginagawa mo tungkol dito?

Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore . Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO. Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO. Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo..

Sa Singapore Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye. Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass. Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho sa Orchard Road (parang EDSA) mula alas 5 hanggang alas 8 ng gabi. Bumalik KA sa parking lot
para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant. Sa Singapore, wala Kang sinasabi, meron ba?

Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai .
Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa Jeddah.
Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.

Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour sa Washington, at saka sasabihin sa pulis "Alam mo kung sino ako?"
Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo ?

Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?

Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.

IKAW na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.
IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.
Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng systema sa bansang banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa Pilipinas?

Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay may katwiran ng sinabi nyang "Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye. Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan? Magwalis tuwing makakaramdam ng hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?"

Sa America , bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang pagdumi ng aso. Ganuon din sa Japan .

Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama sya.

Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad. Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.

Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan.

Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman nating ginagawa ang mga ito.

Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan na ating sinumpaan sa ating pamilya nuong narito pa tayo.

Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang.

Ang sabi natin, "Ang buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang magpapabago sa aking pamilya?"

E sino ang magbabago ng sistema?

Ano ba ang mga sankap ng sistema? Napakaginhawa sa atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan. Pero hindi kasama IKAW at AKO. Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong
handog sa sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at maghatid na mga himala.

O lumilikas tayo. Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik ng ating mga takot, tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin sa kanilang sistema. Pero pag naging masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o Hongkong. Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may digmaan sa Gulf, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong Pilipino.

Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa. Walang nag-iisip na handugan ang