Return to Website

Sibalenhon Web Forum

Welcome to our Sibalenhon Web Forum and feel free to share your views/outlooks for the development of our beloved island Sibale!

Maliy kamo, kita'y mag-kamustahan ag mag suyat it ato mga pananaw at kuro-koro, subaleng usa kina sa parayan adong lalung mapaganda pa nato ka ato pinalanggang banwa!

---------------------------------------------------------------------

 PLS. READ THIS FIRST!

This Forum is intended to encourage public debate.  We expect people to differ - judgment and opinion are subjective things, and we encourage freedom of speech and a marketplace of ideas.  

However, due to unprofessionalism of some users that we have observed lately, "RULES IN POSTING" is hereby instituted.  This serves as guidelines for us especially for those individuals not putting their real names,  their posting(s) will be deleted and the Internet Protocal (IP) address will be banned effective 13 September 2007, for the following grounds:

 

- Any things or materials contain vulgar, profane, abusive or hateful language, epithets or slurs, text or illustrations in poor taste, inflammatory attacks of a personal, racial or religious nature, or expressions of bigotry, racism, discrimination or hate.


- Any things or materials that are defamatory, threatening, disparaging, grossly inflammatory, false, misleading, deceptive, fraudulent, inaccurate, unfair, contains gross exaggeration or unsubstantiated claims, violates the privacy rights of any third party, is unreasonably harmful or offensive to any individual or community, contains any actionable statement, or tends to mislead or reflect unfairly on any other person, business or entity.

 

As per above rules, we reserve our right to remove any content posted in this forum at any time for any reason. 

 

Note: If necessary, you may request from the Web Forum Management about the IP address of any person violating this newly established Sibalenhon Web Forum's Posting Rules, for any legal action.  However, prior to release and banning of an IP address, we encourage you that you first present or post your request in this forum for public dialogue and deliberation to provide a fair action against such person or party involved.

Thanks for your cooperation.

By: Sibalenhon Web Forum Management

 

                

Sibalenhon Web Forum
Start a New Topic 
Author
Comment
M/V Mactan salvaging!

Kumusta sa tanan,

Nandito ako ngayon sa Manila dahil sinamahan ko si Brgy. Capt. Lulu Fadri(misis ko) na umattend ng Technical Conference na pinatawag ng Environmental Management Bureau-DENR, MIMAROPA noong September 17, 2007. Kasama naming dumalo sa nasabing conference ay si Mayor Boyet Cipriano, dapat kasama rin namin ang Brgy. Capt. ng Masadya. Bago ko ikuwento ang tungkol sa napag-usapan sa nasabing conference, ikikuwento ko muna ang personal kong na nalalaman tungkol sa umpisa pag-salvage ng M/V Mactan.

Mga buwan ng Marso 2007, pumunta sa Sibale ang representante ng Calixto Enterprise, ang pangalan niya ay si Mandy Bernabe. Kasama nya ang mga grupo ng mga divers at 2 myembro ng Coast Guard kung saan magsasagawa sila ng underwater survey ng M/V Mactan. Bago nila isinagawa ang pag-survey, pumunta muna sila sa munisipyo para ipaalam ang kanilang pakay at sabay humingi na rin ng clearance para sa gagawing underwater survey. Ang unang nakilala ni Mandy Bernabe ay si Sonny Mason katunayan gamit pa ang kanyang motorsiklo siya pa ang naghatid sa munisipyo. Noong araw ding yon, ay naisagawa ang underwater survey. Ang grupo ni Mandy Bernabe ay kina Sonny Mason nakituloy.

Bumalik si Mandy mga bandang buwan ng Hunyo, may dala na siyang mga papeles galing sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno gaya ng Phil. Coast Guard, Firearms and Explosives galing sa Camp Crame at ang Deed of Sale ng Compania Maritima at ang buyer na si Mr. Eduardo Calixto. Sa pagkakataong ito, nakakuha ng sipi si Mandy Bernabe tungkol sa Resolution na ibenibenta ng lokal na pamahalaan ang M/V Mactan. Nabahala sya at bumalik agad ng Manila para ipaalam sa kanilanag abogado tungkol sa kanyang nasaksihan. Napag-alaman ko na nagpadala ng sulat si Mr. Calixto sa munisipyo para formal na ipaalam na nabili na nya ang M/V Mactan noon pang 1979.

Kaya masasabi ko na alam ng nakaraang adminitrasyon ang tungkol sa gagawing pag-salvage ng M/V Mactan. Pero ang nakakapagtaka ay bakit ang bagong pamunuan ay sisihin sa nasimulang pag-salvage samantalang wala pa namang Mayor's Permit na naibigay. Pero sa totoo lang, ako mismo ay nalungkot ng malaman ko na ang M/V Mactan ay kukunin na ng may-ari. Napamahal na rin sa akin, at sa mga kasamahang kong mangigisda ang lugar kung saan nandon ang M/V Mactan dahil nga maraming isda ang kumakanlong dito. Sana nagawan ng paraan ito ng mga nagdaang administrasyon na maging pag-aari na ito ng lokal na pamahalaan ng Sibale...sayang!

Nang dumating si Congressman Budoy Madrona, sa 3rd floor ng Municipal Hall kung saan nandon sina Mayor at Vice-Mayor, kasama rin ang ibang SB Members at mga Brgy. Captains, pinaliwanag ni Cong. Madrona na ang salvage operation ay pangkaraniwang ginagawa sa pamamahala ng Coast Guard, ang nangyari lang sa M/V Mactan ay nagkaroon lang ng disgrasya. Sabi nya, may nag-mamay-ari na nyan at ngayon ay kinukuha na nila. Naghalimbawa pa sya na yan ay parang isang sanggol na matagal na nawala, sa kalaunan nakita ng magulang ang bata sa isang pamilya na sila ang matagal na nag-alaga, bilang magulang ng bata karapatan niyang kunin ang bata. Ang pamilya namang nag-aruga sa bata, masakit sa loob nila na mawala sa kanila ang bata. Katulad din ng M/V Mactan, matagal na rin sa ating karagatan kaya napamahal na rin tayo. Dagdag pa ni Congressman Madrona, tayo ay nag-sisintemyento lang.

Baka kulangin ng espasyo, ang kwento sa Technical Conference ay sa next posting na lang. Sana huwag tayong magsiraan kundi magtulungan tayo para sa kaunlaran ng Sibale. Isantabi muna natin ang politika, alam ko na ang isyung mactan ay sinasakyan lang ng mga politiko. Salamat sa inro.

Re: M/V Mactan salvaging!

Dear M. Enting,

Greeting to you,

First of all hindi naman nawawala ang M/V Mactan, at lalong di ito umalis sa kanyang kinalagayan, the calixto Ent. at sinabi mo na noon pang 1979 pa nila ito nabili, Question: ano ang ginawa nila noon 1970, hanggang 1980? sampung taon yan kahit siguro baklasin nila isa isa yung mga nakakabit dun na mga bakal ay matatapos nila yun. bakit ngayon lang nila naiisipan na kunin yan after 34 years?

Tanong: kung ikaw kaya ang bata na nawawala na sinasabi ni Cong. Madrona. at nakita ka ng tunay mong magulang after 34 years sasama ka ba sa kanila at iiwan mo ang kinagisnan mong magulang sa kabila ng kanilang pag-aruga sa yo?

hindi ba inabandona na nila ang M/V Mactan ng 34 years? o di kaya ay di nila kinuha yan sa panahon ng mga nakalipas ng Admistrasyon dahil alam nila na di ito papayag ng ganun kadali?

natatanong lang po.

Regards,
Ralph

Re: M/V Mactan salvaging!

Dear Manong Enteng,

Komento ko lang!

Granted that Calixto Enterprises bought the wreck of sunken vessel M/v Mactan in 1979 from Compania Maritima, why is it that only now Calixto appeared to be as claimant of M/v Mactan after 27 years? Calixto should act on this at that time he bought the vessel and inform immediately our local authority of the antecedence.

This question must be raised against the owner and indict him of culpable negligence resulting from abandonment of property to the territorial waters of Sibale Island.

It is unreasonable for me to take a “missing baby” as an analogy to justify their negligence! I agree with their goal, but the ends do not justify the means.

We're looking for valid reasons to make it more clear for everyone!

Thanks and regards,
Merwin

Re: Re: M/V Mactan salvaging!

Tutal nasambit na rin lang ang dating administration, nagbigay ba sila ng mayor's permit?
Nagbigay ba ng Mayor's permit ang kasalukuyang administration? Kung wala di dapat sila magsimula ng pagsalvage sa m/v mactan. Ang kasalukuyang Mayor ay walang ginawa.
Alam po ninyo ang mayor ang dapat magprotekta sa kanyang mga kababayan. e, lang ginawa si mayor.
Ang nangyari parang si mayor pa ang lumalabas na abogado ng calixto. Di raw niya alam kung anong isasagot sa mga taga calixto pagpinakitaan siya ng mga original na mga papeles dahil ang ipinakita lang sa kanya ay mga xerox copies. Simple Mayor kung ano ang isasagot mo sa kanila, Ayaw ng mga minamahal kong mga kababayan na ipasalvage ang m/v Mactan. Maraming masisira sa karagatan namin etc.
Kung matatandaan mo ninyo, yong Canadian mining company, na nakauha ng concession para mag mina dyan sa Oriental Mindoro, despite having all the necessary documents para magmina ay di makapagsimula dahil ayaw ng mga tao.
Mayor ihalintulad na lang natin yan sa anak mong Babae, na gustong pakasalan isang mayamang lalaki, e ayw na ayaw naman ng iyong anak. e, dahil mapera gustong gusto naman ng mo dahil binibigyan ka ng pera
ni lalaki. Ang nangyari lang nagawa si babae pinilit ng ama.
e, kung talagang me natanggap si Mayor from calixto, pano siya pipigilan ang calixto para i-salvage ang m/v mactan.

Mayor napakababaw ng iyong mga Dahilan.

Re: Re: Re: M/V Mactan salvaging!

Ado ganiy inggwa pa't dahilan, ay katong puno it bidoso nak century old oak tree sa bidoos ay nautoy it waya magandang dahilan and take note:
NO PERMIT issued.

malargoy, mapabagatawo pa.

Re: M/V Mactan salvaging!

Glad to hear that it was just an oil leak, that it cause no risk to the environment. However, should the blasting continued and all the oil tanks were broken, a possible bigger oil leak/spill occured. Guess, more oil are still inside those tanks.
Just want to ask if the calixto ent. has a structural plan of the wrecked ship? By this we can determine if more oil are still inside those tanks. This could be one reason to prevent them from salvaging m/v mactan.

G.L. FABROA c/o
Ca, U.S.A.